Kris milyonarya nga pero ‘sugatan’ naman ang puso; minalas pa ang career

kris aquino

NASA ibang bansa man ngayon si Kris Aquino na kasama ang kanyang mga anak para sa isang masarap na bakasyon ay siguradong nasa Pilipinas pa rin ang kanyang utak.

Hindi naging mabait kay Kris ang kasalukuyang taon, naganap sa kanyang buhay at career ang isang karanasang kahit siguro sa kanyang panaginip ay hindi inakala ng aktres-TV host na magaganap, ang mawalan siya ng network.

Hanggang ngayon ay isang malaking tandang-pananong pa rin para sa mas nakararami ang kinauwian ng kanyang career ngayong 2016. Sino nga ba ang mag-aakala na sa isang iglap lang ay mawawalan pala ng trono ang isang nagrereyna-reynahan?

Totoong-totoo ang kasabihan na hindi lahat ng biyaya ay naiipon lang sa iisang tao. Milyonarya si Kris, sikat, pero hungkag naman ang kanyang puso.

Nasa ganu’ng estado siya pero puwede rin palang dumating sa kanya ang pagkakataong mapagsaraduhan ng pintuan ng matatawag na balon ng kanyang mga biyaya.

Nasira tuloy ang kapaniwalaan na what Kris wants, Kris gets, dahil dinaot ang kanyang career sa taong ito. Pero pana-panahon lang naman ‘yan. Baka sa susunod na taon ay ngumiti na uli sa kanya ang kapalaran.

Baka sa kanyang pagbabalik ay meron na palang matatawag na mother studio si Kris Aquino. Walang mayhawak ng bukas. Lahat ay posibleng mangyari.

Peksman.

Read more...