KUNG may isang celebrity na super excited din sa nalalapit na pagsisimula ng Metro Manila Film Festival 2016 kahit wala siyang entry, yan ay walang iba kundi ang Box-Office King na si John Lloyd Cruz.
In-announce formally sa ginanap na grand press conference ng MMFF para sa ginagawa nitong preparasyon before the start of the festival na isa si John Lloyd sa magiging juror this year.
Ayon sa Kapamilya actor, another challenge raw ito sa kanya bilang artist, first time raw niyang magiging hurado sa MMFF at looking forward siyang mapanood ang lahat ng entries this year.
Sa interview naman ng ABS-CBN kay Lloydie, sinabi nitong naniniwala siya na maganda ang adhikain ng festival organizers sa mga pinairal nilang pagbabago sa pagpili sa Magic 8.
“I am very excited to be part of the MMFF jury this year. It’s very exciting kaya dito lang ako. I’m going to be here. Gusto ko maranasan yung Pasko na kasama ang Philippine cinema,” chika ni Lloydie.
Incidentally, isa sa mga official entry sa festival ay ang pelikula ni Joshua Garcia, ang Kapamilya teen actor na sinasabing susunod sa yapak ni JLC.
Kaya sey ni JLC, “I can’t wait to see yung entry mula sa Star Cinema. I heard it is very popular sa selection committee pa lang. Ako hindi ko pa napapanood so I can’t really say (kung magaling si Joshua) but I am excited to see every film. Bukod sa I am duty bound, I am excited to see everything.”
Sa panayam pa ng Dos, nagkomento si John Lloyd tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Joshua, “Nagkasama kami sa Bacolod ni Joshua. Joshua is his own person, his own artist, his own talent. Walang makakapagpabago noon.
“Joshua will become his own name and Joshua will make a mark in this industry sa sarili niyang effort, sa sarili niyang paghihirap, sa sarili niyang pagmamahal sa ginagawa niya. We have to give it to the guy. Labas po tayo diyan. Definitely labas ako. Maybe I serve some kind of inspiration and I appreciate that,” sey pa ng aktor.