Mataas na rating ni Duterte patunay ng patuloy na suporta tao sa pangulo

KAMAKAILAN ay inilabas ang pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) kung saan nakapagtala si Pangulong Rodrigo Duterte ng 63 porsiyentong net satisfaction rating na patunay na suportado ng karamihan ang kampanya ng gobyerno kontra droga at maging sa paglilibing kay dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga bayani.

Base sa fourth quarter survey ng SWS, nakakuha si Duterte ng 59 porsyentong net satisfaction rating sa Metro Manila, 60 porsyento sa iba pang bahagi ng Luzon, 61 porsyento sa Visayas at 74 porsyento sa Mindanao.

Nangangahulugan lamang ito na sa lahat ng bahagi ng bansa ay aprub sa mga Pinoy ang giyera kontra droga, bagamat may kumukuwestiyon dito.

Sa kanyang state visit sa Singapore nitong Disyembre 15 hanggang Diyembre 16, nakakuha rin si Duterte ng kakampi sa kanyang kampanya kontra droga.

Sinabi nina Singaporean President Tony Tan Keng Yam at Prime Minister Lee Hsien na wala dapat ikinokompromiso sa kampanya ni Duterte kontra droga.

Malaking sampal para sa mga kumukontra kay Duterte, partikular sa mga bumabatikos sa kanya kaugnay ng tumataas na bilang ng extrajudicial killings sa bansa ang resulta ng survey ng SWS.

Nauna na ring nanindigan si Duterte na hindi gobyerno ang nasa likod ng nangyayaring exrajuducial killings at wala itong basbas mula sa pamahalaan.

Hindi rin nakaapekto sa resulta ng survey ang ginawang mga kilos-protesta para batikusin ang paglilibing kay Marcos sa LNMB.

Bagamat maiingay ang mga dilawan at mga militanteng sa pagsasagawa ng mga rali para kondenahin si Duterte sa kanyang desisyon, mas marami pa rin ang sumusuporta na maihimlay na siya sa Libingan.
Tinangka pang samantalahin ng mga dilawan ang isyu ng paglilibing kay Marcos para masisi si Duterte at manawagan ng tuloy-tuloy na kilos-protesta.

Minaliit din ng Kamara ang ulat hinggil sa planong pagpapatalsik kay Duterte matapos namang magpahayag ng suporta ang mga mambabatas at tahasang minaliit ang pagtatangkang matanggal siya sa puwesto.

Suportado rin maging ng mga ordinaryong mamamayan ang mga programa ni Duterte.

Hindi maikakaila na mas ligtas na ngayon ang bansa sa mga sangkot sa krimen.

Mas takot na ang mga masasamang loob na gumawa ng krimen ngayon kaysa sa mga nakaraang administrasyon dahil sa paninindigan ni Duterte laban sa mga adik at nambibiktima sa mga ordinaryong mga Pinoy.

Malapit sa bituka ng mga mamamayan ang isyu ng peace and order kayat habang umaaksyon ang pamahalaan sa problema, tiyak na tuloy ang suporta ng mga tao kabila naman ng ilang bumabatikos dito.

Read more...