Netizens na-excite sa proyekto nina John Lloyd at Ely Buendia

JOHN LLOYD CRUZ AT ELY BUENDIA

JOHN LLOYD CRUZ AT ELY BUENDIA

MARAMING netizens ang na-excite nang kumalat sa social media ang litrato ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz at music icon na si Ely Buendia.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ely ng picture nila ni John Lloyd na kuha sa shooting ng ginagawa nilang pelikula. Sa pagkakaalam namin, sa Laguna ang location ng kanilang shoot.

Nilagyan pa ito ni Ely ng caption na: “Don’t ask.” Makikita sa litrato na nasa bukid sina JLC at Ely kasama ang iba pa nilang mga katrabaho.

Sa isang hiwalay na IG photo na ipinost naman ng award-winning actress na si Cherie Gil na kuha rin sa location nila sa Laguna, makikitang kasama nito Joel Torre, John Lloyd Cruz at Ronnie Lazaro.

Base sa mga komento ng kanilang mga social media followers, excited na silang mapanood sina John Lloyd at Ely na magkasama sa isang proyekto. Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye sina JLC at Ely tungkol sa nasabing proyekto.

Read more...