Reunion movie nina Mega at Gabby tuloy na

SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION

SA wakas, dininig na ang dasal ng mga loyal fans ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Tuloy na kasi ang reunion movie ng dalawa under Star Cinema.

Magsisimula na raw ang shooting nina Mega at Gabo sa pagpasok pa lang ng 2017. Nakipag-meeting na si Gabby sa mga executives ng Star Cinema para sa nasabing project.

Ayon kay Gabby, long overdue na ang pagbabalik-tambalan nila ni Mega sa movie kaya isang answered prayer daw ang desisyon ng Star Cinema na pagsamahin uli sila sa pelikula.

Nag-post naman si Sharon sa kanyang Facebook blog tungkol sa reunion movie nila ng kanyang ex-husband. Narito ang mensahe ng singer-actress-TV host sa kanyang mga followers.

“I finally have a leading man.:-) Yes, it’s really happening. EVERYONE, I AM HAPPY TO ANNOUNCE THE RETURN OF SHARON AND GABBY ON THE BIGSCREEN! SHOOTING BEGINS JANUARY 2017. TENTATIVE SHOWING MONTH: MAY2017!”

Huling nagkasama sina Sharon at Gabby sa pelikulang Tayong Dalawa noong 1992. Aside from this movie, binubuo na rin ang bagong album ni Mega.

“Excited na excited po ako sa unang CD ko, sa pagbabalik ko sa recording scene. I love my first single. I know I am launching it baka sa sa January 8 in time for my birthday. Inumpisahan ko na. The single is ready na. The rest of it, itong darating na mga linggo,” sey ni Sharon sa isang panayam.

Isa pa rin siya sa magiging judge sa Your Face Sounds Familiar Kids kasama sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

“Your Face Sounds Familiar Kids starting na po. We are taping it December, lalabas siya ng January. After that, hindi ko alam kung puwede na i-announce agad, wala na akong break. Back to back na, may kasunod agad na show,” chika pa ni Mega.

Read more...