Aktres, drama actor nagkatikiman sa loob ng cottage

BLIND ITEM F-M 0322

THROWBACK pala ito. Sa isang umpukan ng mga becking taga-showbiz ay biglang naalala ng grupo ang nakakalokang nakaraan ng isang ma-gandang aktres at ng isang guwapong aktor na mula sa pamilya ng mga artista.

Hindi sila magkakilala nu’ng una, inisnab pa nga ng may kamalditahang aktres ang guwapong aktor nu’ng ipakilala sila sa isa’t isa, parang wala lang!

Wala ring dating sa guwapong aktor ang aktres, mas may edad kasi ito kesa sa kanya, ang type nu’n ng aktor ay mga bagets na tisay-tisayan.

Heto na. Ang shooting nila ay sa isang malayong probinsiya, sa may dalampasigan kunwari ang kanilang mga bahay sa pelikula, mangingisda ang aktor at anak naman ng mayamang pamilya sa isla ang girl.

Kuwento ng aming source, “Aba, aba, aba at aba pa! Nu’ng nakaka-three days na sila sa shooting, e, may milagro nang nagaganap! Ang guy, lumilipat na sa cottage ng girl sa gabi!

“Ang akala ng mga crew nu’ng una e, wala lang ‘yun, nakikipagkuwentuhan lang ang guy sa tinutuluyan ng girl, pero bakit ganu’n? Hindi na bumabalik sa cottage niya si ____ (pangalan ng guwapong aktor)?

“Pero parang nagdededmahan pa rin sila sa set, ha? Parang hindi nila type ang isa’t isa, pero natutulog na nang ilang gabi ang guy sa cottage ng girl!” tawa nang tawang pag-alala ng aming impormante.

Naging magkarelasyon sila. Hiwalay sa kanyang mister ang aktres, ang aktor naman, kabi-break lang sa kanyang girlfriend na young actress na tisay.

Pero naging mabilis lang ang kanilang relasyon, binalikan ng aktor ang girlfriend niyang tisay, nagkaroon naman uli ng ibang boyfriend ang aktres.

Pagtatapos ng aming source, “Ano ba ‘yan? Bakit ba ganyan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, parang laro lang para sa kanila ang churvahan? Bakit ba ganyan?”

Read more...