Lookout bulletin ipinalabas vs BI execs na sangkot sa extortion

Vitaliano-Aguirre-620x471

NAGPALABAS ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mga opisyal ng immigration at iba pang isinangkot sa P50 milyong bribery scandal kasama ang online gaming tycoon na si Jack Lam.
Kasama sa sakop ng ILBO ay sina Deputy Commissioners Al C. Argosino at Michael B. Robles, Bureau of Immigration (BI) Intelligence Chief, retired police General Charles T. Calima Jr., retired police General Wally Sombero at ang mga interpreter ni Lam na sina Norman Ng at Alexander Yu.
Sa kanyang memorandum, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang lahat ng opisyal ng immigration na maging alerto sakaling tangkain nilang dumaan sa mga paliparan at pantalan ng bansa.

Inatasan din ni Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na mangalap ng impormasyon laban sa anim na sakop ng lookout bulletin.
“All concerned are strongly warned against waiting until boarding time to inform concerned offices of any attempt to leave the country,” ayon pa kay Aguirre.
Inakusahan sin Argosino at Robles na tumanggap ng P48 milyon mula kay Lam para mapalaya ang 600 sa 1,300 Chinese national na naaresto matapos na iligal na nagtatrabaho sa Fontana Resort ni Lam.
Sinabi naman nina Argosino at Robles na ibinigay nila ang P2 milyon kay Sombero at ibinigay naman ang P18 milyon kay Calima.

Read more...