Reunion movie nina Sharon, Gabby kasado na

sharon cuneta at gabby concepcion

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion are making a monumental comeback.

Gagawa raw ng pelikula ang dating mag-asawa sa kalagitnaan ng 2017.

Sa ilang Facebook posts nitong Huwebes, inanunsyo ni Megastar na may reunion movie sila ng dating heartthrob na ipo-produce ng  Star Cinema Productions.

“The return to the big screen of Sharon and Gabby brought to you by ABS-CBN Star Cinema Productions. Coming to you by 2017! Directed by Cathy Garcia-Molina,” sey ni Sharon sa kanyang FB post.

 

Lalo pang sinabik ni Sharon ang kanyang mga laksang fans nang mag-upload ito ng mga dating movie posters nila ni Gabby na tumabo naman nang husto sa takilya gaya ng “P.S. I Love You,” “My Love,” “Pati ba Pintig ng Puso?,” “Bakit Ikaw Pa Rin” at “Tayong Dalawa,” ang huling pelikula nila na inilabas noong 1992.

Matapos ang kanyang pag-post maraming fans ang natuwa at sinabi na ito na raw ang sagot sa kanilang matagal nang panalangin.

Follow us on Twitter @banderainquirer 

Follow us on Viber https://www.viber.com/bandera

 

Read more...