GRABE naman si Jaclyn Jose. Gusto pa yata nitong magkaroon ng bonggang paandar ang ABS-CBN para kay Andi Eigenmann na nanalo kamakailan ng Best Actress sa FAMAS.
Kailan lang namin nabasa ang hinaing nito sa Facebook sa umano’y kawalan o kakulangan ng Kapamilya network ng acknowledgment sa achievement ng anak.
Sa totoo lang, meron namang effort ang network partikular ang programang The Greatest Love, kung saan kasali si Andi as one of the lead cast members.
Doon nga lang namin nalamang Best Actress winner pala ito at nagkaroon pala ng awards night ang FAMAS.
Paulit-ulit naman ang pag-play ng naturang “congratulatory ad” for Andi’s winning at sa tingin naman namin ay sapat na yun. Kung nakukulangan man ang ina nitong si Jaclyn, eh hindi siguro mangyayari yun ng gaya sa naranasan niya sa “Ma’Rosa” (na by the way ay hindi naging opisyal nominee sa Golden Globe), for the simple reason na local lang naman ang FAMAS.
And although magaling si Andi sa TGL soap ng Dos, hindi maitatangging meron pang mas magagaling sa kanya. Kaya huwag naman sanang masyadong mapaghanap!