MARAMI ang nang-iintriga kung hindi raw kaya maranasan din ng beauty queen na si Bianca Manalo ang minsang naranasan ni Heart Evangelista?
Ang isyu kasi ay may kinalaman sa pagpapakilala umano ng BF nitong si Fabio Ide kay Bianca sa pamilya nito sa Brazil.
Ayon sa mga mahihilig sa sitsit, baka may kung ano raw na ma-discover du’n si Bianca nang gaya ng nangyari diumano kay Heart noong ito’y GF pa ito ni Daniel Matsunaga, na isa ring Brazilian-Japanese gaya ni Fabio.
Kaya huwag na tayong magulat if ever mang sa pagbabalik nila ng bansa eh, sa hiwalayan din mauwi ang kanilang relasyon. Hala, kaloka naman. Hindi pa nga nakakabiyahe at nag-eenjoy ang couple ay may ganyang emote na!
Iba naman siguro ang kapalaran ni Bianca na hindi nga itinatangging inlabey na inlabey kay Fabio.