Magkaka-girlfriend ba ngayong pasko? (2)

Sulat mula kay Andrei ng Piang, Dimasalang, Masbate
Problema:
1. Sa ngayon po ay wala akong girlfriend kaya lungkot na lungkot ako lalo na’t iisiping magpa-pasko pa naman po. At sa totoo lang pos a edad kong 26 na nitong nakaraang December 7, kahit kalian di pa ako nagkaka-girlfriend.
2. Kaya naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong magka-girifned at kung magkaka-girlfriend ako aabot pa kaya sa pasko? December 7, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Andrei ng
Dimasalang, Masbate
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ay nagsasabing ka-compatible mo ang isang Leo, Aries o kaya’y Gemini. Kaya nga sa malapit na hinaharap kung sinoman sa mga babaing malalapit sa iyo sa ngayon ang may ganyang zodiac sign, walang duda, siya ang magiging girlfriend mo sa nalalapit na pasko.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabi namang mahina ang iyong loob, kaya kailangan mo ng tapang at magtiwala sa iyong sarili. Kapag tumapang ka na at nagkaroon ng tiwala sa iyong sarili, sa buwan din ito ng Disyembre isang babaing isinilang sa petsang 2, 20 o kaya’y 29 ang lulutang at magiging girlfriend mo.
Luscher Color Test:
Upang tuloy-tuloy na maging maligaya ang relasyon ninyo ng unang babaing magiging girlfriend mo regaluhan mo siya ng damit na kulay red o kaya’y green. Sa gayang paraan, magiging masayang lagi at magiging pang habang buhay na ang inyong relasyon.
Huling payo at paalala:
Andrei ayon sa iyong kapalaran, bilis at lakas ng loob ang susi upang ikaw ay magka-girlfriend sa taon ding ito ng 2016. Sapagkat tinatayang yong isang dati mo ng kakilala na babae ay kusang magpaparamdam sa iyo, sa sandaling nangyari yon, wag ka ng magdalawang isip pa, sunggaban o hayaan mo na agad na mangyari lahat ng pagkakataong ibibigay sa iyo ng kapalaran. Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na, habang nagaganap ang Simbang Gabi isang babaing may initial na L ang magiging girlfriend mo na magdudulot hindi lang sa iyo kundi pati na rin sa kanya, ng isang masaya, romantik at nakakikilig na Pasko.

Read more...