2 patay sa aksidente sa highway sa Quezon

quezon

PATAY ang dalawang walang helmet na motorcycle rider matapos ang nangyaring aksidente sa kahabaan ng Quirino Highway sa Tagkawayan, Quezon kagabi, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police director, na binabagtas ng mga biktimang sina Richard Braza at kanyang angkas na si Cyrus Latog ang highway sa Barangay San Vicente pauwi ng bahay sa Del Gallego, Camarines Sur, nang bumangga sila sa isang bus ng Raymond Transport na pa Maynila ganap na alas-10:30 ng gabi.

Namatay ang mga biktima habang dinadala sa Tagkawayan District Hospital. Nakakulong ang driver ng bus na si Michael Malate sa police jail ng bayan.

Kapwa hindi naka helmet ang mga biktima, ayon sa isang imbestigador.

Read more...