‘Ang tibay ng sikmura ni Mocha Uson!’

mocha uson

MATIBAY rin ang sikmura ni Mocha Uson. Wala siyang pakialam sa mga taong nagpapakain sa kanya ng apdo at ampalaya araw-araw, hindi siya nagpapaapekto, dahil paulit-ulit niyang sinasabi na meron siyang paninindigan.

Nagpaka-involved nang masyado sa mga usaping pulitika ang nagpapaseksing singer, kung minsan nga ay maiisip mo na lang, hindi kaya napababayaan na ni Mocha ang kanyang singing career?

Mula umaga hanggang gabi hanggang sa matutulog na lang siya ay gadget ang kaharap ni Mocha. Post siya nang post ng pagpansin sa mga pulitikong para sa kanya ay walang nagagawa.
Walang pinakaepektibo at pinakamagaling na pulitiko para sa kanya kundi si Pangulong Rodrigo

Duterte, ‘yun ang kanyang paniniwala, na wala namang masama dahil karapatan niyang maglabas ng kanyang saloobin.

Pero may punto rin ang mga pumapansin kay Mocha Uson, ang sobra ay hindi na rin maganda, maghinay-hinay sana siya sa pakikipag-argumento dahil lumalampas na siya sa linya ng kagandahang-asal kung minsan.

Walang masama sa pagtatanggol sa iniidolo niyang pangulo, may kalayaan siyang iparamdam ‘yun sa publiko, pero sana rin ay alalahanin niya ang mga taong nasasagasaan niya at nasasaktan sa paglalantad ng kanyang mga opinyon.

Read more...