Immigration intel chief na sangkot sa extortion sinibak
SINABI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sinibak niya sa puwesto si acting Bureau of Immigration (BI) intelligence chief Charles Calima matapos ang pagkakasangkot sa umano’y pangingikil sa gambling tycoon na si Jack Lam para paladin ang mga overstaying na mga Chinese national.
“Yesterday, I issued a department order relieving or dismissing retired Police Director Charles Calima from Bureau of Immigration,” sabi ni Aguirre.
Si Aguirre ang nagtalaga kay Calima.
Ipinalabas ni Aguirre ang kautusan matapos niyang irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sina BI assistant commissioner Al Argosino at Michael Robles, matapos umanong mangikil ng P50 milton mull kay Lam kapalit ng pagpapalaya sa 600 na Chinese national na kabilang sa 1,316 na naaresto matapos na iligal na magtrabaho sa bansa.
Idinagdag ni Aguirre na hindi na hindi niya nakausap si Calima matapos niya tong sib akin.
Itinanggi naman nina Argosino at Robles na tumanggap sila ng pera mula Lam matapos naman itong ibunyag ng kolumnista ng Bandera na si Ramon Tulfo.
Kapwa kabilang sina Argosino at Robles sa fraternity na kinabibilangan ni Duterte.
Sinabi ng dalawa na humming si Calima ng P18 milton para umano suhulan sina Tulfo at aide ni Lam na si retired police colonel Wally Sombero. Inamin nila na tumanggap sila ng P48 milton mula kay Lam noong Nobyembre 27, kung saan napunta umano ang natitirang P2 milyon kay Sombero bilang balato.
Sa kolum ni Tulfo, sinabi niya na naroon si Calima nang jabot ang P50 milton sa dalawang commissioners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.