ISA nang ganap na Mrs. Jennifer Adriano-Arias si Rosanna Roces after exchanging “I do’s” with her lesbian partner Blessie under Catholic wedding rites at the Alexa Secret Garden in Cupang, Marikina City last Dec. 10.
Admittedly, we plead ignorant to the fact na isa palang Katoliko ang seremonya since hindi kinikilala sa ating bansa ang same sex marriage. But according to Butch Francisco who walked Osang down the aisle, kilalang Catholic priest (Fr. Cipriano Agbayani) sa LGBT community ang nagkasal sa dalawa, Osang and Blessie being the 808th same sex couple.
In fact, tumanggap pa nga raw ng Holy Communion ang dalawa. May gospel reading din sa misa ng kasal.
Anyway, tumayong Bible bearer ang dose anyos na apo ni Osang na si Gab (anak ni Grace kay Jolo Revilla) at isa pang anak ni Grace (by another man) bilang flower girl.
Surprisingly present si Nora Aunor na isa sa mga ninang, habang ninong naman ang mga nakatrabahong indie film director ng bride na sina Neal Buboy Tan at Adolf Alix. No show ang ninang na si Wilma Galvante, dating GMA executive, who was on vacation in Singapore.
Ayon kay Tito Butch, Osang—dressed in ivory-colored wedding gown—seemed to put on weight pero hindi maitago ang ganda nito maging ang pananabik in this new phase in her life. Agaw-eksena pa nga raw ang panay halik ni Osang sa nako-conscious na si Blessie prompting the guests to think na mahal na mahal nito ang pinakasalan.
Nakaputing tuxedo at itim na pantalon naman si Blessie, karay ang kanyang biological daughter na si Camille.
Sa tantiya ni Tito Butch, aabot lang sa 50 ang imbitado, less than 20 rito ang kabilang sa LGBT community. “Hindi naman kasi ‘yun ‘yong kasal na inaasahan mong dadaluhan ng puro LGBT lang, there were more straight guests.”
Dumalo rin ang beteranang aktres na si Daria Ramirez na minsan nang nakatrabaho ni Osang sa pelikula.
Ang nakakaaliw, sa halip na ihagis ni Osang ang kanyang bridal bouquet after the wedding ay kulay berdeng men’s underwear ang nasalo ng isang unmarried lady guest.
Nagsilbi namang giveaways ang sikat na brand ng condom, na nu’ng ikinukuwento ni Tito Butch sa amin ay iisa lang aming tanong: para saan ‘yon kung ang gagamit ay tulad nina Osang at Blessie?
Pamilyar sa aming pandinig ang pangalan ng isa pang ninong, madalas kasi itong batiin ni Lolit Solis (Osang’s former manager and co-host) in her Alok-bati segment in Startalk. May-ari ito ng isang detergent powder who gifted the newlyweds tickets for two to Phuket, Thailand para sa kanilang honeymoon.
Mula sa pinagdausan daw ng kasal ay dalawang hakbang lang ang layo kung saan ginanap ang reception. According to Tito Butch, feast on one’s palate ang mga pagkain dahil sa sobrang sarap nito.
And mind you, ang venue na isang events place (na kung tutuusi’y hindi mukhang literal na garden dahil tatatlo lang naman daw ang puno), ang pagkain at ang mga kasuotan nina Osang at Blessie ay sponsored lahat.
We’re genuinely happy for Osang dahil mukhang natagpuan na niya ang tunay na kahulugan ng kaligayahan sa kanyang buhay.
Talagang goodbye na to her self-destructive activities as she looks forward to spending the rest of her life with Blessie.
To the newlyweds, congratulations and best wishes!