Marian tatapusin muna ang pagpapadede kay Baby Zia bago mag-teleserye sa GMA 7

marian rivera

IBINALITA rin sa amin ni Rams na bahagi na raw ng Johnson & Johnson si Dingdong Dantes. Ang ibig sabihin, may TV commercial na ring ginawa si Dong at sila naman ang sentro ng anak na si Zia.

Unang kinuha si Zia sa TVC na kasama si Marian Rivera. This time, kumpleto na silang pamilya sa nasabing commercial.

Pagdating naman sa soap, tatapusin lang ni Marian ang pagpapadede sa anak bago sumabak sa trabaho.

May duration pala ang pagpapasuso sa anak kaya hindi muna tumanggap ng mabigat na trabaho si Yan Yan tulad nga ng weekly variety comedy show sa GMA na Sunday PinaSaya.

Eh sa isyu namang may away sina Marian at Andrea Torres na umano’y pinagselosan ng Kapuso Primetime Queen sa taping ng Alyas Robin Hood, mariin itong itinanggi ni Ram. Tsismis lang daw ‘yun dahil maayos na maayos daw ang relasyon ng dalawang alaga ng Tripe A.

“Walang away sina Marian at Andrea. Magkasama sila sa isang management team kaya wag silang pag-awayin. Hindi sila aabot sa ganoon!” paliwanag ni Ram.

Anyway, bukod kina Marian, Maine at Andrea at Kris, ilan pa sa aktibong artists ng Triple A ay sina Jerald Napoles, ang Baes ng Eat Bulaga, Andrew Garcia at Taki.

May offer din daw ang TV5 sa kanila na gumawa ng programa, but as of now, wala sa priority ‘yon ng APT Entertainment.

Thank you pala kay Rams at Triple A sa Christmas lunch treat nila para sa mga kaibigan sa press na tumutulong sa kanila mula noon hanggang ngayon!

Read more...