‘Ikaw’ ni Yeng waging most watched OPM video sa YouTube channel ng Star Music

yeng constantino

NANGUNA si Yeng Constantino sa 30 artists ng Star Music na nakapagtala ng most viewed video sa YouTube channel na umabot na sa isang milyong subscribers.

Ang awiting “Salamat” ni Yeng ay binigyan ng bagong version nina Janella Salvador, Ylona Garcia, Bailey May, Angeline Quinto, Erik Santos, Kaye Cal, Marion Aunor, Daryl Ong, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Jovit Baldivino, Sue Ramirez, Iñigo Pascual, Michael Pangilinan, Jed Madela, Morissette Amon, Klarisse De Guzman, Jamie Rivera, Jolina Magdangal-Escueta, Juris, Vina Morales, Jona, Migz & Maya, Gloc 9, KZ, Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Tim Pavino, Alex Gonzaga, Enrique Gil, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Vice Ganda.

Nagbigay sila ng bagong tunog sa 2007 hit ng Pop Rock Princess, “Pasasalamat ko ito sa lahat ng fans na sumuporta sa akin sa ten years ko sa industriya at sa lahat ng fans ng lahat ng Kapamilya artists ng Star Music,” pahayag ni Yeng.

Iginawad kamakailan sa Star Music ang YouTube Gold Play Button, isang framed li­mitededition gold-plated play button na ibinibigay ng YouTube sa channels na nakakuha ng isang milyong subscribers.

Ang Star Music ang unang record company na umabot ng isang mil­yong subscribers sa bansa, at pangatlo sa YouTube channels na pagmamay-ari ng ABS-CBN.

Ayon sa Star Music, bukod sa Pilipinas, ang Saudi Arabia, UAE, United States, Kuwait at Canada ang nangungunang mga bansang nanonood ng videos nito.

Sa ngayon, ang music video ni Yeng para sa kantang “Ikaw” ang most watched OPM video sa YouTube channel ng Star Music at maging sa buong mundo na may 52 million views.

Pumangalawa ang “Mahal Ko O Mahal Ako” music video ni KZ Tandingan na may 36 million views.
Libreng napapanood ang videos sa YouTube, pero dahil sa advertisements, kumikita ang producers, record companies at composers.

Bumibida rin sa OneMusic.PH, ang online music platform ng ABS-CBN, ang mga Pilipinong puno ng talentong nais maipakita ang kanilang galing sa musika. Ngayong taon, napanood na sa OneMusic.PH sina Yeng, Ylona Garcia, The Dawn, Sue Ramirez, Loisa Andalio, Maris Racal, Kristel Fulgar at Darren Espanto.

Read more...