Janice makakasama sa teleserye ng AlDub

janice de belen at maine mendoza

NAG-STORY conference na ang bagong teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa GMA 7 na mapapanood na next year.

Kumalat sa social media kahapon ang mga litrato nina Alden at Maine kasama ang ilang GMA executives at ang mga manager ng mga artistang kasali sa serye na may working title na “Destined To Be Yours.”

Nakita rin namin ang photo ni Janice de Belen kasama si Maine kaya ang hula ng marami ay kasali rin ito sa cast ng launching series ng AlDub. Ipinost din ni Janice sa kanyang Instagram account ang nasabing litrato na may caption na: “OOOOPSSSSS, IT’S MAINE MENDOZA @mainedcm.”

Isa pang litrato ang ipinost ng Kapuso character actress na si Ina Feleo kung saan katabi niya sina Alden at Maine. Nilagyan niya ito ng caption na: “Accidentally twinning with @mainedcm. Nice to finally meet you! Always been a fan of #aldub @aldenrichards02.”

Nauna nang nabalita na tuloy na tuloy na ang launching series nina Alden at Maine, at very soon ay magsisimula na silang mag-taping para sa scheduled airing nito ngayong 2017 sa GMA TeleBabad.

Read more...