DANIEL: Hindi masamang tao si KATHRYN!


NATAWA lang si Kathryn Bernardo sa mga chika na lagi niya raw sinisigawan at hinihiya ang kanyang personal alalay nang dahil lang sa payong.

May lumabas kasing kuwento na sinisigawan daw lagi ng young actress ang kanyang personal assistant sa harap ng maraming tao kapag hindi siya napapayungan nito sa mga shooting o taping, lalo na kapag nasa ilalim siya ng matinding sikat ng araw.

Ayon sa chika, bawal kasing mainitan si Kathryn dahil natatakot daw itong umitim uli.

Sey naman ng dyowa ni Daniel Padilla habang tumatawa,

“Payong talaga? Hindi po. Ngayon ko nga lang ‘yan nalaman. Hindi naman totoo ‘yan.

Parang lalo na kung maraming tao, bakit mo babastusin ang P.A. mo?

“Kung simpleng payong lang, kung may nakalimutan, parang nakakatawa,” paglilinaw ni Kathryn sa isang interview.

Kasabay nito, dinepensahan din ni Daniel ang kanyang “girlfriend”, “Sige, sasagutin ko ‘yan, at hindi po totoo ‘yan! Si Kathryn, hindi siya ganu’ng klaseng tao.

Tsaka hindi puwede ang ganu’n sa akin.”

Sabi pa ni Daniel, wala raw pinagkaiba ‘yan sa chika noon sa kanya na sinabihan niya raw si Anne Curtis na napakapangit ng boses, na sinabi niyang isang kathang-isip lamang.

“May mga ganyang balita, ganyan, di ba?

Sabi sa diyaryo daw, sinabi ko raw kay Anne na pangit ang boses niya.

Bakit naman natin aanuhin, di ba? Anne Curtis siya…

“Kaya ninyo bang pumuno ng Araneta gaya ni Anne, di ba?

Bakit ko naman sasabihin ‘yun kaya kay Ms. Anne? Hindi po ‘yun totoo,” sey ng binata.

Samantala, matapos ang kanyang sold-out birthday concert sa Araneta Coliseum, patuloy na haharanahin at pakikiligin ng Kapamilya teen sensation ang kanyang fans sa kanyang pinakabagong album na may pamagat na “DJP.”

Sa ilalim ng Star Records, ang “DJP” ay ang ikalawang album ni Daniel na sumunod sa self-titled debut album niya na umabot sa double platinum status noong nakaraang taon.

Tampok sa sophomore album ni Daniel ang 10 tracks kabilang ang carrier single niyang “Kamusta Ka,” “Kung San Ka Masaya,” “Sabay Natin,” “Panalangin,” “Binibini,” “Naaalala,” “Kisapmata,” “Ipagpatawad Mo,” “Sisikat Din Ako,” at ang acoustic version ng Himig Handog P-Pop Love Song finalist na “Nasa Iyo Na Ang Lahat.”

Bahagi rin ng album ang bonus track na “Diskarte.” Ang “DJP” ay mabibili sa record bars nationwide.

Read more...