Tahasan talagang sinabi ni Juday na huwag daw isisi sa kanya ang pagkabulol nito dahil talagang bulol daw ang ating anak sa Tagalog.
I agree with Juday though sinabi naman ng young superstar na bilib naman siya sa working attitude ni Samuel at sa effort nito to learn how to speak Tagalog better.
Hindi naman kasi talaga biro na matuto ng isang lengguwahe na hindi mo kinagisnan.
It’s just like learning another dialect fluently when you grew up in Manila.
Pero in fairness kay Sam, matagal na siyang nagpapa-tutor ng Filipino at mabilis naman siyang natuto.
Kaya nga lang, hindi pa siya kasing-bihasa tulad natin.
Kahit half-Pinoy kasi si Sam, sa States practically ito lumaki and when you don’t hear and speak Tagalog the way we do, mahirap talaga.
Kaya nga mas gusto ni Sam na kinakausap siya in Tagalog para lalo siyang matuto.
Kasi nga, ang tendency natin, since alam nating English-speaking si Sam, kinakausap natin siya sa Ingles para mas madali tayong makaka-connect.
Pero ang totoo niyan, mas naa-appreciate ni Sam na kinakausap siya in Tagalog para lalo siyang masanay.
Speaking of Sam, ayaw na niyang seryosohin ang sinabi ni Derek Ramsay na bakla siya.
Sam is every inch a gentleman, kasi nga, he is secured with his sexuality.
Maingat kasi si Sam sa pananalita – hindi tulad ng ibang lalaki o ibang tao na masyadong taklesa.
Kungsabagay, saan ka nakakita ng lalaki (daw!) pero laging nakababad sa Twitter at mahilig magsumbong ng kanyang emosyon sa social network.
Di ba naman? Pambading lang ang ganoong style and I’m sure Derek is aware of it. Ha-haha!
At palagi ko ngang sinasabi at ina-advise sa kahit sino, mapalalaki o mapababae man, dapat ay marunong kang manindigan sa bawat sinasabi at ginagawa mo.
You take full responsibility sa lahat ng ginagawa mo – hindi ‘yung mabilis maghugas ng kamay kapag nasukol na at naipit sa sitwasyon.
Tulad ng pagdi-deny ni Derek Ramsay na tinawag diumano niyang bading si Sam, after naming natilad ang lahat-lahat ng anggulo, lumalabas tuloy na very badingding ang style niya.
Hasus, hindi porke macho ang katawan ng isang lalaki – hindi porke pinag-aagawan ng mga kababaihan ay sigurado ka ng lalaki.
Malay nga naman natin na merong nagtatago sa palda ng mga nanay nila.
Huwag na tayong lumayo pa, sa mga gym, napakaraming kalalakihan na naggagandahan ang mga katawan pero nag-uunahan sa mga cubicles or sa lockers para makapanilip ng mga guys na nagbibihis o nagsa-shower. Tama? Ha-hahaha!
I’ve said my piece about Derek Ramsay the other night sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM.
Medyo maluwag na ang pakiramdam ko sa sama ng loob na dulot ng mga pinagsasabi ni Derek Ramsay.
Honestly, hindi na ako ganoon kagalit sa kanya kasabay ng feeling na hindi ko rin siya masyadong feel.
Nabawasan ang pagtingin ko sa pagkalalaki niya, hope you understand where I’m coming from.
Sana ay hindi na rin niya hahayaang lumaki ang gulong ito.
Sana ay natuto na siya sa pinaggagawa niya. I am no loose cannon pero when provoked I can be. Mind you.
In my heart, napatawad ko na siya pero hanggang doon na lang iyon.
Sana ay manahimik na lang siya dahil pag hindi, he will never hear the end of it.
Kilala ko ang sarili ko, huwag na huwag mong kantiin ang mga mahal ko sa buhay – ang mga mahal kong friends and artists like Kuya Boy Abunda, Nanay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin, Patrick Garcia, Carlo Aquino, Sam Milby, Aljur Abrenica, Richard Poon, (my Panggas) Duncan Ramos, Luke Mejares and Jimmy Bondoc, my babies Michael Pangilinan and Prima Diva Billy, Jodi Sta. Maria, Melanie Marquez, Gloria Diaz, Gov. ER and Maita Ejercito, Manong Jack Enrile, Gov. Bojie Dy, among others.
Sisitahin talaga kita. Hindi kita palalampasin.
Inaamin ko, medyo subjective ako with these people very close to my heart kaya ganoon ko na lang sila kung ipagtanggol.
Pag sila naman ang mali, okay lang iyon, hindi ako papalag, bagkus ay kinakausap ko sila para malinawan ang bawat isyu.
Ganoon lang kasimple iyon. Other than that, we’re friends, OK?