KRIS sa SECRET LOVE AFFAIR nila ni DANIEL: kaloka, ang luma ng issue!

Tinext agad  kami ni Kris Aquino habang nasa Davao City siya nu’ng isang araw para sa episode ng Kris TV at nalaman nga niyang may issue sa kanila ni Daniel Matsunaga.

Mensahe sa amin ng Queen of All Media, “Ang LUMA ng news Reg, I haven’t seen him since ‘Sisterakas’. Hello from Davao.”

Takang-taka si Kris kung saan daw nagmula ang balitang sila na ni Daniel dahil as of now ay hindi na niya napagtutuunan ng pansin ang lovelife dahil ang konsentrasyon niya ngayon ay nasa dalawang anak niyang sina Josh at Bimby lalo na ngayong darating na Hunyo kung saan papunta sila ng Singapore para sa pagpapagamot ng panganay na anak.

Isasabay na rin ang cruise nila para naman sa ilang episode ng Kris TV dahil nga kailangan nilang magbangko para sa nalalapit na pagbabakasyon niya ng ilang buwan kasama ang mga anak.

Read more...