Masahe sa opisina, gusto mo?

SINIMULAN ito sa lungsod ng Copenhagen, ang pangunahing kabisera ng Northern Europe, noong Disyembre 2004, bilang paraan para maalis ang stress sa mga kawani.  Naniniwala ang Danes na kapag may stress ang mga kawani, hihina ang produksyon ng kanilang negosyo, nangunguna rito ang Carlsberg beer (the best sa Europa) at turismo, na hanggang ngayon ay di pa ginugulo ng terorista.
Bukod sa stress, napuna ng mga workplace scientists na tulog (at kapag tumagal ay nanghihina at nawawalan ng lakas) ang muscle sa kanang braso dahil babad maghapon ang kanang kamay sa mouse ng computer.  Ang mouse na walang bigat ang dahilan para maubos ang lakas ng arm muscle, ayon sa mga scientists.
Kaya sinimulan nila ang masahe sa tanggapan, na isinasaga sa tuwing break time, bago simulan ang mahabang pulong, lalo na sa mga opisyal ng opisina o kompanya.
Una’y di ginamitan ng langis o pabango ang masahe, na parang karaniwang masahe ng mga bulag sa malls, airport, atbp.
Resulta: ginising ang mga ugat na pinatulog ng stress at pinasigla ang mga muscle sa braso na pinahina ng magaang na mouse.

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 110809

Read more...