‘HUWAG kang magtago kagaya ko.’
Ito ang payo ni Sen. Panfilo Lacson kay Sen. Leila de Lima matapos umalis ang huli papuntang United States at Germany noong Linggo.
Dating Justice Secretary si de Lima nang magtago si Lacson noong 2010 kaugnay ng kasong double murder noong 2000 matapos naming maugnay sa pagpatay sa publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.
“Mag-interpellate sana siya sa aking bill sa anti-wiretapping dahil sabi ko Monday magre-resume. Sabi niya kasi aalis daw siya Sunday. In jest sabi ko sa kanya, ‘Bumalik ka, huwag mo ako gayahin.’ Sabi niya, ‘Babalik talaga ako’ at harapin daw niya ang kaso,” sabi ni Lacson.
Idinagdag ni Lacson na wala namang mali sa pag-alis ni de Lima sa bansa dahil wala pa naming warrant of arrest na inilalabas laban sa kanya.
“By the way, noong umalis ako wala rin akong warrant of arrest” sabi ni Lacson.