Aaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na itaas ang buwis sa sigarilyo bago ang Christmas break ng Kongreso.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas bukod sa pagpapataas ng kita ng gobyerno sa dagdag na buwis, makatutulong din ito upang maproteksyunan ang lokal na tabako at mabawasan ang paninigarilyo sa bansa.
Sa ilalim ng House bill 4144, mananatili ang two-tier o dalawang uri ng pagbubuwis sa sigarilyo. Mas mahal ang ipapataw na buwis sa premium, kumpara sa mas mababang klase.
Ang mga sigarilyo na ang net retail price ay mas mababa sa P11.50 ay papatawan ng P32 kada pakete at ang mas P11.50 pataas ay P36.
Sa kasalukuyan ang ipinapataw na buwis ay P25 sa mas mababang klase at P29 sa mas mahal na klase.
Kung hindi babaguhin ang Sin Tax law, pare-parehong P30 ang ipapataw na buwis sa bawat pakete simula sa Enero 1.
“Isipin n’yo na lamang ganito, common sense, by unitary all brands pay P30 per pack or flat rate. Now dito sa two-tier, iyung lower price will pay P32 and the other one pays 36, ano ang mas malaking revenue doon?” punto ni Farinas.
Sinabi ni Farinas na natural lamang na mas malaking buwis ang ipataw sa premium o mas mahal na sigarilyo at hindi tama na pantay ang buwis ng premium at hindi.
Hindi rin naniniwala si Farinas sa pahayag ng Bureau of Internal Revenue na mahihirapan silang maningil ng buwis kung magkaiba pa ang buwis na ipapataw.
“Huwag silang tatamad-tamad sa kanilang trabaho, paano sila mahihirapang kolektahin ang P32 at P36 na tax? Rason lamang ng tamad iyan,” dagdag pa ng solon.
Ayon naman kay ABS Rep. Eugene Michael de Vera, may-akda ng panukala, makikinabang ang mga nagtatanim ng tabako dahil mas mura ang buwis na ipapataw sa sigarilyo na gumagamit ng kanilang tanim.
“Imbued by competition, cigarette manufacturers may also opt to import tobacco leaves instead of purchasing the locally grown tobacco leaves considering that tobacco leaves grown abroad are of better quality, thus diminishing the demand for tobacco leaves produced domestically,” ani de Vera.

MOST READ
LATEST STORIES