SINABI ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na Pinay ang tinatarget ng Miss Universe pageant organizers para maging co-host ni Steve Harvey sa idaraos na patimpalak sa Enero.
“Definite na si Steve Harvey will be the host. We’re looking for babaeng counterpart niya. Mayroon na kaming napili. Ayaw pa lang sabihin kung sino,” sabi ni Teo sa isang panayam sa DZMM.
Idinagdag ni Teo na maiiwasang mangyari ang kapalpakan noong nakaraang pageant matapos mali ang naihayag na nanalo kung may co-host si Harvey.
Nauna nang kinontra ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Harvey muli ang mag-host ng Miss Universe sa Maynila.
Sinabi ni Tourism Undersecretary Katherine De Castro na pumayag na si Duterte na muling mag-host si Harvey.
Nakatakdang idaos ang Miss Universe coronation night sa Mall of Asia Arena sa Enero Jan. 30, 2017.