Dagdag SSS pension ihahabol ng Kamara sa Pasko

sss1

Matapos makasundo ang Senado, aaprubahan ng Kamara de Representantes ngayong linggo ang panukala na magtataas ng P2,000 sa buwanang pensyon ng mga miyembro ng Social Security System.
Ayon kay House committee on government enterprises and privatization chairman at North Cotabato Rep. Jesus Sacdalan susundin ng Kamara ang bersyon ng Senado na itaas ng dalawang beses ang pensyon.
“We will certainly pass it before the holiday break,” pagtitiyak ni Sacdalan.
Sa Miyerkules ang huling sesyon ng Kongreso ngayong taon.
Ang unang P1,000 ay ibibigay sa susunod na taon at ang karagdagan ay sa 2019.
“It is an unfortunate reality that the monthly pension from SSS has become insufficient for the monthly food sustenance and maintenance medicines of pensioners who are old and mostly suffering from various medical conditions. Without appropriate and immediate intervention, the SSS would fail in its role to provide basic economic security for the people, curb poverty, provide economic stability, redistribute income and preserve important social and individual values,” saad ng aaprubahang Joint Resolution.
Ang pag-apruba sa panukala ay napagkasunduan sa caucus ng mayorya sa Kamara noong nakaraang linggo.
Mayroong 33 milyong kasalukuyang miyembro ang SSS at 2.15 milyong retirado na tumatanggap ng pensyon.

Read more...