KASADO na ang makulay, maingay at bonggang Grand Parade ng “Mano Po 7: Chinoy” na gaganapin ngayong Linggo, sa kabuuan ng Filipino-Chinese community sa Binondo, Manila.
Pangungunahan ng masuwerteng Dragon at Lion Dance ang grand parade na dadaluhan ng star-studded cast na pangunguhan ng Chinoy phenomenal actor na si Richard Yap kasama sina Jean Garcia, Enchong Dee, Janelle Salvadora at Jana Agoncillo.
Dagdag-atraksyon din ang presence nina Jake Cuenca, Jessy Mendiola, Marlo Mortel, Kean Cipriano at Eric Quizon na bahagi rin ang “MP7”.
Sa Lucky Chinatown Mall ang simula ng parada, 4 p.m.. Mula sa mall, didiretso sa mga kalye sa Binondo ang karosa at mamimigay ng souvenirs sa mga tao.
Ang “Mano Po” ang pinaka-successful na family drama franchise sa local movie industry. Humakot ito ng maraming awards mula “Mano Po 1” hanggang sa “Mano Po 6.”
Sa latest installment na “Chinoy”, matutunghayan ang kuwento ng isang Fil-Chinese family subalit relatable sa bawat pamilya. Meron man conflicts at hindi pagkakaunawaan, sa bandang huli, ang pagmamahal pa rin sa isa’t isa ang pamilya ang namamayani!
Ipagpatuloy ang tradisyon at damhin ang Pasko kasama ang buong pamilya sa pagbubukas sa sinehan ng “Mano Po 7: Chinoy” sa Dis. 14 mula sa Regal Entertainment at sa direksyon ni Ian Lorenos.