DINEPENSAHAN ni Cesar Montano ang pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB) na siyang namamahala sa promo ng mga tourism projects ng Pilipinas.
Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Buboy na, “Hindi naman po mag-a-appoint ang Presidente kung wala pong nakikitang competence sa isang tao. So, probably nakita niya po, probably, we could be able to promote the entire country.”
Ayaw namang mag-react si Cesar sa sinabi ni Department of Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo na may iba siyang napupusuan para sa nasabing posisyon. Maraming netizens ang nagkomento na hindi raw karapat-dapat si Cesar sa nasabing posisyon dahil wala naman daw itong background sa tourism.
MOST READ
LATEST STORIES