LILIPAD patungong Amerika ang Kapuso actress at beauty queen na si Megan Young para mag-host sa nalalapit na Miss World 2016.
Dahil dito, hindi na muna mapapanood si Megan sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes with Andrea Torres, Jaclyn Jose, Cherie Gil and many others.
Para sa Kapuso leading lady, dream come true ang pagiging host ng Miss World beauty pageant. Next week na ang alis niya (Dec. 13) at excited na siyang makilala ang mga official candidates this year. At mukhang matatagalan daw siya roon dahil Dec. 18 naman ang mismong pageant. Gaganapin ito sa Washington, DC.
“Medyo matagal kasi yung rehearsals eh, mga four days, kaya mag-stay na ako doon until the day ng pageant,” esplika niya nang makausap namin at iba pang members ng entertainment press sa taping ng Alyas Robin Hood somewhere in San Mateo, Rizal.
Nang hingan naman siya ng advice para sa Pinay bet nating si Catriona Gray, ang reigning Miss World Philippines, sabi ni Megan, kailangang ihataw na ng dalaga ang kanyang performance sa mga unang araw pa lang ng pageant dahil ito ang crucial part. Magiging better daw ang chances ng Pilipinas kung makakapasok siya sa top 10.
Tungkol naman sa swimsuit showdown naman nila ni Andrea Torres sa ARH, one week lang daw ang naging preparation niya para rito.
“Actually noong sinabi sa akin na gagawin ko ‘yun, kakarating ko lang from the US so medyo ang dami kong nakain! Pero na pull-off naman namin. We didn’t expect it akala namin sa umpisa lang yung mga swimsuit swimsuit tapos nagkakain na kami,” natatawang pahayag pa ng dalaga.