Para sa may kaarawan ngayon: Isang kaibigan ang lalapit at hihingi ng tulong, tulungan mo siya, abi nga sa Paskong darating: “It is wonderful to get the answer of prayers, but it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Gray at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung buuin mo ang Simbang Gabi mas mabilis na masosulusyunan ang mga problema. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin, biglang matutupad ang iyong Christmas wish. Mapalad ang 1, 7, 26, 32, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Jiva-Om.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang batis na maligaya, dulot ng isang Virgo. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rata-Om.” Pink at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Saraling diskarte ang ipatupad upang mas madaling yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 6, 9 19, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Keturu-Om”. Purple at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat pairalin ang emosyon at pagkatapos ay pagsisihan mo ang iyong pasya. Sa pag-ibig maging tapat ka lang sa iyong sariling damdamin at makikita mo ikaw ay liligaya. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung hindi mo naman ito iipunin. Mapalad ang 3, 13, 22, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Red at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Imbis na maging pera, magiging bato pa, kung magyayabang ka na naman, manatiling mapagpakumbaba, upang tuloy-tuloy na dumating ang mas marami pang pera. Sa pag-ibig, habang papalapit na ang kapaskuhan may biglaang romansang matitisod. Mapalad ang 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pinansiyal, mag-ipon para sa kinabukasan ng anak at magiging anak pa. Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at maangas pa. Minsan ganyan talaga ang buhay, kung sino ang ayaw mong makasama siya pa ang ibinibigay sa iyo ng tadhana. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Pagdating ng araw magiging kalat at magiging basura lang yan sa inyong bahay. Panahon na para magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Mali ang ginagawa mong nagtitiis sa isang nilalang na nararamdaman mo namang hindi ka na niya mahal. Minsan hindi totoong masarap lokohin ang sarili dahil lamang sa pag-ibig, bagkus ang totoo nito nagsasayang ka lang ng oras, resources at panahon. Hanggat hindi ka pa lubusang nasasaktan, mag-give-up ka na ngayon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa career may mga pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa pagpasok ng taong 2017, habang sa pag-ibig, maalaki ang tsansa na isang foreigner ang iyong makakatuluyan. Mapalad ang 1, 18, 23, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag mong silang intindihin ang mahalaga dahil sa iyong mga ginagawa at aktibidades tumatabo ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pagpasensyan ang pagigng makulit ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasya-Om.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag ubusin ang pera sa layaw at pagpapasarap sa buhay. Tandaan mong ang lahat ay lilipas din! Kung wala kang mabuting nagawa sa iyong kapwa, mawawalang kabuluhan din ang iyong buhay. Sa panahong ito ng kapaskuhan, upang lalo ka pang pagpapalain ni Lord tumulong ka lang ng tumulong at panatiliin ang pagiging bukas-palad. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agiel- Zazel-Yophiel”. White at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo, wag manghinayang sa load – “mag-unli” ka na lang! Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.