Sulat mula kay Honey ng Bansalan, Davao del Sur
Problema:
1. Nag-aaplay po kami sa ngayon ng mister ko sa Canada bilang immigrant at may tumutulong naman sa amin siya po ang hipag ko na matagal ng naninirahan doon ang kanilang pamilya.
2. Ang itatanong ko lang po sana kaya naisipan kong sumangguni sa inyo ay kung matutuloy po ba kami at kung matutuloy kami, kailan kaya ito mangyayari at kapag natuloy na kami maisasama din kaya namin ang mga anak namin doon at magkakaroon kaya kami ng masagana at masayang buhay sa Canada? July 2, 1979 ang birthday ko at May 16, 1976 naman ang mister ko.
Umaasa,
Honey ng
Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) na may elementong water ay nagsasabing tugma at compatible kayo ng mister mo na isinilang naman sa earth type sign na Taurus, kung saan, dahil suwetong-suweto ang inyong zodiac sign, umasa kang sa susunod na mga taon marami pang magagandang kapalaran ang kusang darating sa inyong buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 2 ay nagsasabing bukod sa astrology tugma at compatible din kayo ni mister sa birth date niyang 16, kung saan, ang numerong 2 at 16 ay lagi ng natatagpuang magkasama at hindi nagihiwalay habang buhay.
Luscher Color Test:
Upang hindi maudlot ang suwerteng naghihintay sa ibang bansa, ugaliing magsuot ng kulay na berde at dilaw higit lalo kapag kayo ay magpa-follow-up ng mga mga papeles. Makikita mo sa pamamagitan ng laging pagamiot at pagsusuot ng kulay na berde at dilaw, mas marami pang magagandang kapalaran ang kusang darating sa inyong buhay.
Huling payo at paalala:
Honey ayon sa inyong kapalaran, kung ang hipag mo na nasa Canada na tumutulong sa inyo ay isinilang sa zodiac sign na Scorpio o kaya’y Virgo, tiyak ang magaganap sa taong 2018 hanggang 2019 sa edad mong 39 pataas makapag i-immigrant na kayo sa Canada, hanggang sa paglipas pa ng ilan pang panahon, makukuha mo na rin ang inyong mga anak, hanggang ang buong pamilya na ang makapaninirahan sa Canada at habang buhay na magiging masagana at maligaya.
Matutuloy ba sa Canada (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...