Joshua Garcia next John Lloyd: Marami pa akong kakaining bigas!

joshua garcia

PINAGTATAWANAN na lang ni Hashtag member Ronnie Alonte ang diumano’y sex video niya na naging viral recently sa social media.

Dinenay na raw niya yun at yun pa rin daw ang kanyang gagawin kung may mangungulit pang magtanong tungkol dito. Marami pa rin kasi ang naniniwala na siya raw ang lalaki sa video na nagpapaligaya sa kanyang sarili.

“Parte na po siguro iyan ng showbiz. Ang importante po, may nagagawa tayong mga project na maipagmamalaki natin sa manonood,” sey nito ng aming makorner after ng presscon ng MMFF entry nilang “Vince & Kath & James” under Star Cinema.

Tatlo nga silang bibida sa matatawag na nag-iisang entry from a big movie outfit dahil bukod sa kanya, sina Julia Barretto at Joshua Garcia ang sinasabing pag-uusapan sa darating na pestibal.

“Pressured din po, pero mas excited,” ang sagot pa ni Ronnie na nadiskubre naming bungisngis at aminadong “jologs” o palabiro kaya’t no dull moment daw sa kabuuan ng shooting ng kanilang youth-oriented filmfest entry.

q q q

Ibinuking din ng guwapong batang aktor na nag-audition din pala sa Hashtag ang tinaguriang next John Lloyd Cruz na si Joshua Garcia.

“Sayang nga lang dahil hindi siya nakapasa,” sey ni Ronnie na sinagot naman ni Joshua ng, “Eh, di sana noon pa tayo naging best buddies.”

Pero hindi naman daw ito pinagsisihan ng batang aktor dahil nga marami-rami na rin siyang nagawang proyekto sa ABS-CBN, at ngayon nga ay may MMFF entry pa siya.

Ano naman ang feeling niya na siya na raw ang susunod na JLC? “Overwhelmed pero marami pa po akong kakaining bigas. Pero dream ko po na kahit man lang 1/8 na naabot ng idol kong si John Lloyd ang marating ko, solved na ako,” sagot ni Joshua.

Sina Ronnie at Joshua ang makakasama ni Julia Barretto sa “Vince & Kath & James”. First time makakapartner ng dalaga ang dalawang teen actor at base naman sa trailer ng movie, mukhang may promise naman ang kanilang love triangle.

Sa totoo lang, make or break movie nga ito for Julia na kung tutuusin ay kumpletos rekados naman ang pakete para matawag ding prinsesa ng showbiz.

Sana nga ay tanggapin sila ng audience para may bago naman tayong loveteam na aabangan.

Read more...