Janella-Marlo loveteam suportado pa rin ng MarNelle fans

janella salvador at marlo mortel

HINDI iniiwan ng fans ang lovetam nina Janella Salvador at Marlo Mortel kahit na nga kay Elmo Magalona na inirereto ang Kapamilya Teen Superstar ngayon.

Ang sipag-sipag kasi ng Mar-Nelle fans magpa-trend ng bawat guesting ng dalawa sa TV at mall shows para sa movie nilang “Mano Po 7: Chinoy.”

Take note, huling nagsama sa movie sina Janella at Marlo last year sa blockbuster filmfest entry na “Haunted Mansion”. Nagsilbi silang lucky charm ng Regal Entertainment. After nga lang ng movie, nagkanya-kanya na sila ng mundong ginagalawan.

Eh, naniniwala ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde sa lakas ng kanilang loveteam kaya isinama sila sa “MP7”. But kumpara sa horror movie na ginawa nila, mas marami silang lambingan sa latest offering ng Regal.

Kilig-kiligan din ang hatid ng bawat eksena nila kaya nag-iisip na si Roselle ng bagong proyekto para kina Janella at Marlon kung saan sa kanila na sesentro ang istorya.

Read more...