ANG ibinabang desisyon ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) nitong Dec. 3 kaugnay ng kasong kinapalooban nina Baron Geisler at Ping Medina—in our honest opinion—was a mix of awe and anticipation.
Acting on the formal complaint lodged by Ping last Nov. 30, inasahan na naming kikilos ang hanay ng mga lehitimong tagapamahala ng karera ng mga artista, that is, to issue sanctions against Baron who—to us—has become a recidivist or repeated offender ng ‘yun at ‘yon ding namang misdemeanor laban sa kanyang mga katrabaho sa iba’t ibang paraan nga lang.
Nagkaisa ang mga kawani ng PAMI na huwag tumanggap ng proyekto—TV or film—kung makakasama ng kanilang mga alaga si Baron for an indefinite period.
Sumang-ayon naman dito si Arnold Vegafria, manager ni Baron.
May precedent na kasi sa naging verdict ng PAMI, hence, the move came expectedly.
Pero ang hindi namin sukat na inaasahan is what obviously appears to be a collateral damage brought upon director Arlyn dela Cruz.
Rumesbak din kasi si Arnold na kinuwestiyon ang kapasidad—or sheer lack of it—ni Arlyn bilang producer/director na pairalin ang kanyang control sa isang pangyayaring dapat din niyang panagutan.
En banc, napagdesisyunan ng PAMI members na huwag ding tumanggap ng mga proyektong pamamahalaan ni Arlyn on behalf of their artists.
Something is really amiss with the other half of PAMI’s decision, na tiyak na inaalmahan ngayon ng hanay ng mga legit TV/film directors.
Oo nga’t hangad naman ng bawat isa sa industriya na magkaroon ng isang “healthy, safe and professional working environment,” this writer believes that the PAMI’s decision on director Arlyn dela Cruz is one of grave insult, if not injustice against cineastes na pumapabor sa mga tulad ni Baron.
Oo nga’t pinarusahan nila ang pasaway na aktor, pati ba direktor ay kailangang madamay?
Ang nabasag bang pinggan ni Juan sa kusina ay naghihintay rin ba ng hagupit at latay ng sinturon kay Pedro mula sa tatay nila?
Nasaan ang inakala naming wisdom ng pamunuan ng PAMI na sa konting emote lang ni Arnold ay nakahanap din ito ng mga kakampi laban kay Arlyn?