ISANG social experiment daw ang bugbugan nina Baron Geisler at Kiko Matos na inakala ng marami na totohanan talaga.
Nagkasakitan naman silang dalawa sa ginawang bakbakan pero hindi raw ‘yon choreographed, huh!
Kelan lang ay naging sentro ng bagong gulo si Baron at ang aktor na si Ping Medina. Nadamay din ang direktor nila sa isang indie movie na si Arlyn dela Cruz.
Sa halip na sisihin, inintindi na lang ni Kiko ang bagong gulo na kinasasangkutan ni Baron.
“Hindi kasama ‘yon sa project naming ‘Beast Mode.’ Nagkataon lang na nagkaroon ng isyu, tapos, ‘yung ‘Beast Mode’, hugas kamay ang aming grupo sa isyu.
“Actually, we are just in time in promoting the movie this December. Nagkataon lang nagkasabay ang issue at promotion namin and everything. Tapos ‘yung…
“Kasi po kaibigan ko si Baron eh. Kaibigan ko si Ping at katrabaho ko si direk Arlyn. Kasama rin ako sa movie.
“Well, ayoko pong kumoment kung ano ang nangyayari sa kanila ngayon. Mahirap para sa akin, it’s hard to take sides right now. It’s individual na.
“Si Baron kasi, in my opinion, you have to have certain level of understanding eh, to appreciate him, to accept him. Nakasama ko na si Baron. Nakasama ko na siya nang ilang beses. Nagkainuman. Marami siyang ginawa na pinapalagpas ko.
“Kasi after everything, naging masaya tayo, eh. Minsan, hindi natin alam. Saka ayokong ma-feel niya na kinaibigan ko siya para lang i-expose ko siya sa ibang tao, sa media o sa press. Kung anuman ang ginawa niya, sa akin na ‘yon!” diin ni Kiko na kasama sa cast ng festival entry na “Kabisera” starring Nora Aunor.