NAGPASALAMAT si Dingdong Dantes kay Robin Padilla sa magagandang salita na ibinigay nito sa kanya nang tanggapin nito ang kanyang tropeo bilang recipient ng FPJ Memorial Awards sa nakaraang 64th FAMAS Awards.
Sa kanyang speech sinabi ni Binoe na ipinapasa na nito kina Dingdong at Coco Martin ang paggawa ng mga action projects. Si Dingdong ang bida sa action serye ng GMA na Alyas Robin Hood habang si Coco naman ang bumibida sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
Sa kanyang Instagram account idinaan ni Dingdong ang kanyang pasasalamat kay Robin. Sey ng mister ni Marian Rivera, “Maraming salamat sa pagkilala sa aming trabaho, @robinhoodpadilla.
“Ang inyong dedikasyon sa industriya, at lalu na sa ating bayan, ay magsisilbing inspirasyon sa aming henerasyon,” sey pa ng Kapuso Primetime King.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang maaaksiyon at madadramang eksena sa pinag-uusapang GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood. Ngayong gabi, narito ang kailangan n’yong abangang mga eksena.
Sa hotel bar, aksidenteng magkikita sina Pepe (Dingdong) at Sarri (Megan Young). Malungkot ang dalaga habang iniisip si Pepe – the one who got away. Mag-uusap ang dalawa as Pepe pretends na hindi talaga niya kilala ang “Pepe” na sinasabi ng kausap. Maya-maya, sasayaw na sina Pepe at Sarri sa dance floor. From upbeat music ay magbabago ito into a slow one, kaya magyayakap ang dalawa as Pepe leans forward, and about to kiss Sarri.
Muntik nang mawala sa sarili si Sarri as she expects Pepe’s kiss, pero nang marinig ng binata ang boses ng dalaga saying “Pepe”, agad na natigil ang balak nitong paghalik. Magpapanggap ang binata na na-offend.
Magmamaangas si Pepe at maaasar talaga si Sarri. Sasampalin ni Sarri si Pepe sabay walkout.
Sa hotel activity area, makikitang nagda-darts si Dean (Sid Lucero). Ipakikita niya talagang magaling siya. Dean shows Sarri how good he is. Darating sina Pepe at Venus (Andrea Torres). Unang magtatama ang tingin nina Pepe at Sarri, pero ibabaling ng binata ang tingin kay Venus. Magpapasikat pa lalo si Dean, at gusto na itong patulan ni Pepe. Venus tells Pepe na kailangan din nitong magpanggap na hindi marunong.
Makakaisip si Pepe ng way para asarin si Dean. Dahil sa nakitang trajectory ni Pepe, patatamain niya ang dart in a way na swak ito sa likod ni Dean. Matatamaan si Dean sa likod, at sisigaw ito sa sobrang sakit. Agad na magagalit si Dean at sasapakin si Pepe. Magpapasapak si Pepe dahil kailangan niyang ipakita na hindi siya bihasa sa pakikipaglaban.