SIGURADO raw maiiyak si Rosanna Roces sa kasal nila ng kanyang lesbian partner na si Blessie Arias. Tuloy na ang kanilang same sex wedding sa Dec. 10 somewhere in Antipolo.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN kay Osang, napakarami raw kasing nabago sa buhay niya simula nang maging sila ni Blessie, “Wala ng sigarilyo, tanggal na lahat. Hindi naman ako umiinom eh, hindi na rin nagpupuyat, hindi na rin maligalig ang buhay, normal na.”
All out naman daw ang support kay Osang ng kanyang pamilya sa pagpapakasal niya sa isang tibo, “Nagpaalam kami kay nanay. Sabi niya, ‘Ano ba yan? Kung kailan ka tumanda saka ka nagpakipot.’ Sabi ko, ‘Hindi naman ‘nay.’ Christian kasi ang family, tapos same sex ang wedding, hindi naman maligalig ang same sex marriage eh, si nanay nga nakita niya na dito ako tumitino.”
Ang dati niyang kasamahan sa Startalk na si Butch Francisco ang maghahatid sa kanya sa altar habang isa naman sa mga ninang si Nora Aunor.