Cast ng ‘Mano Po 7’ may sariling Parade of Stars sa EDSA

mano po 7

BUBULABUGIN ang EDSA ng buong cast ng “Mano Po 7: Chinoy” ngayong Dis. 9. Gaganapin ang Grand Parade ng “MP7” na pinakaaabangan ng publiko!

Naghahanda na ang fans nina Richard Yap, Jean Garcia, Jake Cuenca, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Janella Salvador, Marlo Mortel, Kean Cipriano, Eric Quizon, Jana Agoncillo at marami pang iba, para sa event na ito.

Magsisimula ang parade sa SM Megamall Fashion Hall at iikot hanggang SM Megamall Building A. Kasunod nito ang premiere night sa Cinema 9.

Bukod sa parade sa Friday, inihahanda na rin ang isang pang grand parade na iikot naman sa Binondo after ng mall show sa Lucky China Town Mall.

Ang balita nga namin, nagkakainteres na ang Fil-Chinese community na sumugod sa sinehan sa Dec.14 para sa first day of showing ng pre-Christmas offering ng Regal Entertainment. Naglabas na rin ng intensyon ang Chinese schools na susuportahan nila ang “MP7.”

Read more...