NASUPALPAL ang isang female personality na palaging nakasimangot kapag may mga nagpapakuha ng retrato sa kanya. Walang picture na nakangiti ang young actress, lagi siyang nakasimangot, sa kanya ibinigay ng mga kababayan natin ang pangalang Simang.
Meron siyang runner-up, isang young actress din, pareho silang napakahirap makasama sa picture dahil palagi silang umiiwas at kapag natiyempuhan naman ay mga simangutera talaga sila.
Kuwento ng aming source, “Sa airport ito nangyari. Natural, kilala na siya, kaya nagbubulungan ang mga utaw nu’ng makita siya! Parang sa isip niya, e, heto na naman ang mga ito, makikipag-selfie na naman!
“Natural, nagbisi-bisihan ang girl, nandiyang may hinahanap kunwari sa bag niya, nandu’ng may kausap sa phone, ang dami niyang kadramahan para lang makaiwas sa picture taking!
“Pero nu’ng lumapit ang isang grupo sa kanya, e, napahiya ang girl! Paano, ang sabi sa kanya, ‘Excuse me, ha? Magpapa-picture lang kami kay ____.’
“Napahiya ang girl dahil hindi naman pala sa kanya magpapa-picture ang mga lumapit sa kanya, kundi sa boyfriend niya na mabilis namang nakipag-pose sa mga girls!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.
Palagi kasing nakasimangot ang young actress na ‘yun, para siyang nakakaamoy palagi ng kung anong masangsang kapag may mga lumalapit na sa kanya, isang malaking abala para sa maganda pa namang bagets ang pagpaparetrato ng mga fans.
Pagkatapos ng aming source, “O, di nakatapat siya! Nakahanap siya ng mga taong wala naman palang interes sa kanya, kundi sa BF niya! Pahiya siya to-the-max!
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na! Matagal na siyang binabansagang Simang, kaya kilalang-kilala n’yo kung sino ang simanguterang young actress na itey!