NAGTATAKA lang kami kapatid na Ervin kung bakit laging sinasabi ng mga mahihilig sa Pinoy movies na bukod tanging ang entry lang ni Paolo Ballesteros ang may pag-asang maging box-office sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Although very much in ang entry ni Nora Aunor na “Kabisera”, alam naman ng industriya na hindi priority ng mga supporter ng Superstar ang maging number one ito sa takilya dahil nga mas feel daw nilang maging consistent si Ate Guy sa paghakot ng awards.
Unless, mag-iba na sila ng strategy dahil bukod tanging si Ate Guy ang matatawag na pinakabeterana sa MMFF, what with her numerous best actress awards mula sa taunang festival.
Siya nga ang matatawag na original reyna ng MMFF, di ba? Kaya sana naman siya talaga ang magsilbing mukha nito sa paghakot ng tropeo come awards night at pati na rin sa pagtabo sa takilya.
But we’re just wondering kung bakit hindi man lang name-mention si Eugene Domingo and her movie “Babae Sa Septic Tank 2” who has once proven her mettle as an actress and as a box-office star?
Mukha kasing one of those na lang kung i-mention ang entry niya, eh. Nagtataka lang po.