Mocha: Si Leni ay isang simpleng traydor sa Duterte admin; mag-resign ka na bilang VP!

mocha uson at leni robredo

INUPAKAN muli ng sexy singer-dancer-blogger na si Mocha Uson si Vice-President Leni Robredo matapos nga itong mag-resign sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Ang pagbibitiw ni Robredo ay dahil na rin sa natanggap niyang text message mula kay Cabinet Secrerary Jun Evasco Jr., na nagsasabing huwag na siyang pupunta sa lahat ng Cabinet meeting mula kahapon, Dec. 5.

As usual, muling sumawsaw si Mocha sa nasabing isyu at nag -post ng mensahe sa kanyang Facebook blog, dito kinuwestiyon niya kung nagbitiw o pinagbitiw ba ni Duterte si Leni.

Sey ni Mocha, “LENI RESIGNED? Nagbitiw daw si Leni sa gabinete ni PRRD dahil may banta daw nakawin ang VP post nya. Praning po kayo mam?

“Nagbitiw o pinagbitiw? Abangan natin ang katotohanan,” pang-iintriga pa ng singer-dancer na kilalang die hard supporter ni Digong.

Pagpapatuloy pa nito, “Basta isang bagay ang sigurado ako, tama po ang mawala kayo sa gabinete ni PRRD para walang sagabal sa pagbabago.

“Mam LENI request lang po ng taong bayan pwede magbitiw ka na din sa pagka VP?”

Tila nang-aasar pa ito sa isa pa niyang Facebook post kung saan gumawa pa siya ng photo collage kung saan pinagsama-sama niya ang mga magazine cover ni VP Leni, “What do you expect? Wala ng ginawa.

Nag photoshoot lang sa 5 buwan. Tapos sasama pa sa rally na ang sigaw ay ‘oust Duterte. Ano yun??? Mahiya ka naman kung d ka pa mag resign.”

Kahapon naman, isang mahabang mensahe uli ang ipinost niya sa kanyang FB blog kung saan tinawag pa niyang “simpleng traydor” ang Bise-Presidente. Narito ang ilang bahagi ng kanyang post.
“PANAHON NA PARA MANINDIGAN!!!

“Ito na po ang tamang panahon upang hindi manahimik. Natutuwa ako at sa wakas tinanggal na ni P.Duterte ang kalaban ng pagbabago na si LENI sa kanyang gabinete.

“Ang tulad ni Leni ay hindi makakatulong sa Duterte Administration. Saan ka nakakita na ang Kapitan ng barko na sa bawat kabig niya ng pakaliwa may kumakabig pakanan? Saan ka nakakita ng piloto sa bawat pag-angat ng eroplano merong pilit nagpapabagsak nito? Si Leni ay simpleng traydor sa DUTERTE Administration.

“Tama ba na ang isang miyembro ng gabinete ay dumadalo ng OUST DUTERTE rally? Ang katungkulan niya bilang namumuno sa HUDCC ay alter ego siya ng Pangulo. Sabay kokontrahin niya? Hindi ba kabastusan yan?

“Ngayon na wala na si Leni sa gabinete tayo ring mga supporters ay hindi pwedeng nasa gitna. Parati akong napaparatangan na FANATIC. Sa totoo lang mas gugustuhin ko na ang fanatic kesa sa walang paninindigan.

“Kesa sa mga walang bayag na suporter na konting makabasa lang ng troll sa post niya ay magbabago na. Ang dami kong kilalang ganyan. Noong kampanya ay ang iingay ngayon ay nagbago na.

“Hindi ko alam kung dahil ba sa nabigyan na ng pwesto o sadyang takot lang sa mga troll ng kalaban. Asan ang prinsipyo niyo?

“‘Yan kasi ang kaugalian nating mga Pilipino panahon pa lang ng kastila. Pag sakop ng Kastila at Amerikano iilan lang ang lumaban dito.

“Sa katunayan ang mga naunang pinuno natin ay nakipagkasundo pa sa mga banyagang nanakop sa atin.

“Ganyan tayo ka-traydor sa ating prinsipyo. Kaya gulat na gulat ang sambayanan ng pumasok sa eksena si P. Duterte na may paninindigan.

“Sana tayong mga suporters niya ay ganun din. Fanatic na kung Fanatic ang importante makamtam na natin ang pagbabago. Mas mahalaga ang bayan kesa sa mga kaibigan mong puro sarili ang iniisip.

“Tandaan natin ito mga kaDDS, walang bayan na magbabago kung walang mga bayaning handang mag buwis ng kanilang buhay para sa bayan.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksiyon mula sa kampo ni VP Leni, ngunit feeling namin, hindi na papatulan pa ng bise-presidente ang mga patutsada ni Mocha.

Read more...