Maine, Alden may pasabog sa 2017 para sa AlDub nation

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

PROUD endorser naman si Maine Mendoza dahil bukod sa ginagamit o kinakain talaga niya ang mga produktong kanyang ine-endorse, “Masaya po ako kapag nalalaman kong nakakatulong ako kahit paano sa sales ng product.”

Yes, ayon sa nabalitaan namin, ang ineendorsong pork tocino ng TV host-actress ang top selling product sa bansa ngayon.

Ito nga ang Funtastyk Young Pork Tocino na gawa ng CDO na nasubukan na rin namang kumuha ng ibang celebrity endorsers, pero iba raw talaga ang karisma ni Maine.

Well, kung si Kris Aquino nga na endorser din yata ng same brand ay saludo sa mass appeal ni Maine dahil ito lang naman ang pambungad niyang subject para sa kanyang pagsabak sa social media blog.
Hmmmm, perfect timing for Christmas menu ang balitang ito ha! Ha-hahaha!

q q q

Still on Maine Mendoza, busy nga ito ngayon para sa isang bonggang project with her ka-loveteam Alden Richards.

Hindi raw mabibigo ang mga naghihintay at nabitin na AlDub fans sa mga latest exposure nila dahil by 2017, talagang ang phenomenal tandem daw ang rarampa sa malalaking projects, including TV shows.

Hindi nga lang sinabi ng aming source kung ngayong Christmas ba ay may nakatakdang event para kina Alden at Maine para sa kanilang supporters.

“Siguro naman, something is being cooked,” sey ng aming source.

Read more...