SA PILIPINAS magpa-Pasko ang rumored couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ngunit plano nilang lumabas ng bansa sa Enero, 2017.
Ayon kay Liza, balak niyang sa ibang bansa mag-celebrate ng kanyang birthday sa January at nagsabi na raw sa kanya si Enrique na sasamahan siya nito kahit saan siya magpunta.
“We are still deciding where we’re going to go but I hope it’s someplace na malamig because I like cold weather,” chika ni Liza sa panayam ng ABS-CBN sa isang event.
Ikinuwento rin ni Liza ang tungkol sa bago nilang project ni Enrique, ang pelikulang “My Ex and Whys.”
“Medyo mas sensual ‘yung movie namin ng kaunti, very slight lang, and it’s also more mature compared to the movies we’ve done before. It’s totally different from everything we’ve ever done, including our TV shows, so dapat abangan,” kuwento ng dalaga.
Ang “My Ex and Whys” ay sa direksiyon ni Cathy Garcia under Star Cinema. Kamakailan ay nagtungo ang dalawa sa South Korea para sa ilang eksena nila sa nasabing pelikula.
“I guess the experience lang mismo, being in Korea is to me the most memorable thing. We got to see a lot of nice places like Myeongdong. We also got to Nami Island. We got to eat a lot of good Korean food,” kuwento pa ng Kapamilya Teen Princess.