Kristine tinawag na maldita at ingrata; Oyo napamura sa sobrang galit

 

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

KRISTINE HERMOSA AT OYO BOY SOTTO

NANGGAGALAITI sa galit si Oyo Sotto nang mabasa ang komento ng isang mataray na netizen tungkol sa kanyang asawang si Kristine Hermosa.

Halos murahin na ng aktor ang nasabing basher sa sobrang galit matapos nitong tawagin si Tintin ng “maldita” at “ingrata”

Nagsimula ang isyu nang kumalat ang litrato nina Tintin at Oyo sa social media kung saan kasama nila ang kanilang pamilya at mga kasambahay. Kuha ang nasabing photo nang manood sila ng “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” sa isang sinehan.

Kasama rin sa picture ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa at mister nitong si Martin Imperial.

Isang Instagram follower nina Oyo at Tintin ang nagmaldita at pinansin ang mga maid ng mag-asawa na nakasuot pa ng uniporme kasabay ng pang-ookray kay Tintin.

“Oo nga ang daming alalay di man lang pinagbihis talaga. Sa totoo yang @khsotto lahat ng taong makakita sa kanya maldita daw.

“Kung anong kinabait ng asawa siyang kinasama ng ugali ni Kristine. Ingrata at maldita in person! Santa santita @khsotto!”

Resbak naman ni Oyo na nagpupuyos sa galit, “Eh tanga ka pala eh! Plano naming itreat mga kasambahay namin. They’re doing (their) job so wala kang pakialam. Ang engot mong gunggong!”

Hirit pa ng aktor maayos at marespeto sila sa mga kasama nila sa bahay, “Ngingiti ba sila kung hindi sila Masaya?? Uulitin ko lang ah, engot mo!! Ha? Engot! Gets mo? Gamitin utak!”

 

Read more...