Barbie ikinumpara sa batang nakakuha ng ‘star’ sa iskul

barbie forteza

NIYAKAP nang husto ni Barbie Forteza ang paggawad sa kanya ng Walk of Fame star last Dec. 1 sa Libis, Quezon City. Imagine nga naman, at an early age eh, napabilang na siya sa celebrities na ginawaran ng nasabing parangal.

Ikinumpara ni Barbie ang karangalan sa isang bata na kapag nag-i-excel sa klase ay binibigyan ng star ng teacher.

“Kapag very good ang isang bata sa school, lagi niyang ipinakikita sa ma-gulang niya at sinasabing, ‘May star po ako.’ Pero ako, ang sasabihin ko sa pa-milya ko ngayon ay, ‘May Walk of Fame Star na ako!’” sabi ni Barbie.

Nagpasalamat din ang Teen Princess sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang career at na-ngakong pagbubutihin pa ang trabaho at para na rin maging magandang halimbawa sa mga kabataan.

“Napakasarap sa pakiramdam bilang isang aktres na magli-leave ka ng mark sa mga tao na hin-ding-hindi nila malilimutan. Gusto ko ring magpasalamat sa mga taong naniniwala at patuloy na naniniwala sa aking kakayahan bilang aktres. Asahan po nilang lalo ko pang pagbubutihin ang a-king ginagawa,” pahayag pa ng dalaga.

Samantala, si Barbie ang magiging pambuwena-manong handog ng GMA Network sa January, 2017. Ang teleserye niyang Meant To Be ay mapapanood na kung saan apat na aktor ang mag-aagawan sa kanya, huh!

Read more...