Alden sinugod, tinilian ng mga Pinoy sa Singapore; Asian celebs na-shock

 

MATIPID sa pagpo-post sa social media si Alden Richards. Kaya naman sa mga fan pa niya kami nakakakuha ng mga mahahalagang balita tungkol sa kanya.

Pumunta sa Singapore si Alden nitong nakaraang weekend. Isa siya sa napiling mag-host ng Asian TV Awards kasama ang ilang Asian celebrities.

Sa isang post ng fan ng Pambansang Bae, meron siyang kasamang co-host na Asian actor sa stage. Sa isang picture naman, ka-join si Alden ng iba pang Asian celebs.

Ang nakakatuwa sa post, may chika ang netizen. Dinagsa ng Pinoy sa Singapore si Alden sa venue at todo ang paghiyaw at pagsasabi ng pangalan niya. Naloka raw ang mga kasama niyang foreign celebrities kaya naging curious ang mga ito na malaman kung sino at ano siya sa Pilipinas, huh!

Sa tagal nga naman ng Asian TV Awards, ngayon lang nagkaroon ng Pinoy actor na kinuhang host, huh! Matindi talaga ang impact ng AlDub phenomenon hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang Asian countries.

 

Read more...