Jake nangakong ipaglalaban ang anak kay Andi; niregaluhan ng bonggang b-day party

 

jake ejercito at ellie

Photo source: Jake Ejercito’s Instagram account @unoemilio

TINUPAD ni Jake Ejercito ang pangako niya sa anak na si Ellie na reregaluhan niya ito ng birthday party para sa ika-5 kaarawan nito.

Ellie just turned five years old last Nov. 23, pero nitong weekend lang nag-post si Jake ng mga litrato nila ng anak na kuha sa party nito kamakailan.

Makikita sa litrato si Ellie na nakasuot ng little fairy costume habang nakabuntot naman lagi sa kanya si Jake.

Actually, noong mismong birthday ng bata ay nag-post na ang anak nina Mayor Erap Estrada at Laarni Enriquez sa Instagram ng birthday message para sa anak nila ni Andi Eigenmann.

Sey ni Jake, “The ride isn’t always gonna be as smooth as we’d want it to be, but just hold tight. Daddy’s got you. Happy 5th, my princess!”

In fairness, ang daming netizens na na-touch sa mensaheng iyon ni Jake, feel na feel daw nila ang pagiging responsable at mapagmahal na ama nito.

 

Read more...