WAGING-WAGI pa rin sa mas maraming kabahayan sa buong bansa ang mga programa ng ABS-CBN dahil sa nakuha nitong national average audience share na 44% base sa datos ng Kantar Media.
Sa primetime (6 p.m.-12 midnight) naman, higit ding tinutukan ang ABS-CBN sa naitala nitong audience share na 46%. Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers.
Bukod sa primetime, panalo rin ang Dos sa morning block with an audience share of 40% at sa afternoon block with 44%.
Samantala, walo sa 10 pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN, sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano na nagtala ng national TV rating na 35.4% at pumangalawa naman ang TV Patrol with 32.2%.
Kasama rin sa top 10 programs noong Nobyembre ang Wansapanataym (28.7%), Pinoy Boyband Superstar (27.3%), Home Sweetie Home (26.6%), Goin’ Bulilit (25.9%), Magpahanggang Wakas (24.5%), at TV Patrol Weekend (24.3%).
Kagaya sa nakaraang mga buwan, It’s Showtime pa rin ang piniling panoorin ng mas maraming Pilipino sa tanghali na may national TV rating na 17.6%.