24 Oras, Pepito, MKM, Alyas Robin Hood pasok sa Top 10 ‘most watched TV show’

dingdong jessica at michael v

PALAKI nang palaki ang lamang ng GMA sa ibang network sa nationwide TV ratings base sa datos ng pinaka-pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.

Mula 1.8 points noong Oktubre, umabot na ng 3.2 points ang lamang ng GMA sa ABS-CBN noong Nobyembre (kung saan base sa overnight data ang Nob. 20 hanggang 30) dahil sa naitala nitong 37.8 percent household audience share sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) kumpara sa 34.6 percent ng ABS-CBN.

Bunga ito ng patuloy na pamamayagpag ng GMA sa lahat ng dayparts lalo na sa primetime kung saan nahigitan ng GMA ng 3.9 points ang pinakamahigpit nitong kalaban.

Lalo ring tumatag ang pagiging number one ng Kapuso Network sa Urban Luzon kung saan matatagpuan ang 77 percent ng kabuuang TV households sa bansa.

Nakapagtala ang GMA ng 42.5 percent sa Urban Luzon.

Kapuso Network din ang naghari pagdating sa top programs sa NUTAM kung saan number one ang Encantadia na my 24.4 percent household rating. Walo sa 10 programa sa top 10 ang mula sa GMA kabilang ang 24 Oras (22.3 percent), na ngayon ay number one primetime newscast sa bansa, Pepito Manaloto (22.9 percent), ni Michael V, Magpakailanman (22.1 percent), Alyas Robin Hood (20.8 percent), ni Dingdong Dantes, Ismol Family (20.7 percent), Kapuso Mo, Jessica Soho (20 percent) at 24 Oras Weekend (18.8 percent).

Wagi rin sa nationwide ratings ang Hay Bahay (18.7 percent), Tsuperhero (18.3 percent), Wowowin (16.1 percent), Imbestigador (15.6 percent), Eat Bulaga (15.2 percent), Sunday Pinasaya (13.3 percent), at Someone to Watch Over Me (13 percent).

Samantala, ang boxing special na Resurgence: Pacquiao versus Vargas (32.9 percent) na eksklusibong umere sa Philippine free TV sa GMA, ang nanguna sa listahan ng top programs with specials.

Ang data ng Nielsen ay base sa mas malaking bilang ng sampled homes nationwide kumpara sa Kantar Media. Mas marami ng halos 900 homes ang sample size ng Nielsen kumpara sa Kantar.

Ang Nielsen TV Audience Measurement service ay pinagkakatiwalaan ng 31 clients/subscribers kasama ang 8 local TV networks, 4 regional clients, 2 blocktimers, at 17 media agencies.

Read more...