MARUNONG sa buhay ang isang pamosong aktres. Kahit kilalang-kilala na siya ay wala siyang pakialam anuman ang sabihin tungkol sa kanya ng ibang tao.
Basta para sa kanya ay wala siyang tinatapakan, wala siyang inaabala, anuman ang gawin niya ay hindi niya pinapansin ang mga pagpuna sa kanya. Sa madaling salita—deadma ang aktres.
Sa location ng kanyang mga pelikula ay kilala siya sa pagiging kuring. Hindi man lang siya nanglilibre ng kanyang mga kapwa artista, maging ang produksiyon ay wala man lang pakinabang sa kanya, pero walang pakialam ang aktres.
Kuwento ng aming source, “Parang mahirap siyang intindihin, pero kapag inisip mo ang mga ginagawa niya, e, tama naman siya. Pinaghihirapan niya ang kung anumang meron siya ngayon, nagsasakripisyo siya, kaya bakit niya ‘yun lulustayin?
“Kumakain siyang mag-isa, ngumunguya siya nang pagkasarap-sarap sa harapan ng mga kasamahan niya, pero hindi siya nang-aalok man lang! Ang nasa isip niya siguro, e, pare-pareho lang naman silang kumikita, di bumili rin sila ng food nila, di ba?
“‘Yun ang ugali ni ____ (pangalan ng pamosong aktres), take it or leave it, ‘yun na siya talaga! Wala nang tawad, tapat na!” natatawang kuwento ng aming source.
Walang driver ang aktres, katwiran niya, iintindihin pa niya ito sa kanyang pagtatrabaho. Wala rin siyang kasambahay, nagpapalinis lang siya ng condo unit niya sa isang kamag-anak, ayaw niyang may naiiwan sa kanyang tirahan kapag nasa labas siya.
Pagtatapos ng aming impormante, “Tama rin naman siya, di ba? Ano ‘yun, ihahain niya ang house niya sa magnanakaw? Tempting nga naman ‘yun, kaya para makaiwas siya, hindi na lang siya kumukuha ng maid-of-cotton!
“Kilalang-kilala n’yo kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangang mahulaan n’yo kung sino ang girl na ito para huwag kayong maitulak sa imburnal!